Indie actor nahaharap sa kasong murder
Skip to main content PSN Probinsiy…
Skip to main content PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1 Indie actor nahaharap sa kasong murder Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 26, 2017 - 12:00am Eugene Tejada at Frenil Bautista
MANILA, Philippines â" Nahaharap sa kasong murder ang 29-anyos na Indie actor makaraang m amatay sa pagamutan ang office supervisor na una umano nitong binugbog sa loob ng palikuran ng supermarket sa bayan ng San Mateo, Rizal noong Miyerkules ng gabi (Nob. 22).
Kinilala ang suspek na si Eugene Tejada ng #20 Vancouver Filinvest 1, Batasan Hills, Quezon City.
Sinasabing si Tejada ang pangunahing suspek sa pambubugbog sa biktimang si Frenil Bautista, 44, administrative supervisor ng Beta Equipment Sales Corp.
Base sa police report, nag-ugat ang insidente nang akusahan ni May Jana Malilin, kinakasama ni Tejada ang biktima nang panghihipo sa kanya sa loob ng grocery.
Dahil dito, walang awa umanong binugbog ng suspek ang biktima na nagresulta sa pagkadurog ng buÂngo nito at pagka-comatose.
Napag-alamang kapwa dinala sa himpilan ng pulisya sina Tejada at Bautista suÂbalit nakitaan ng seryosong pinsala sa utak ang biktima kaya mabilis na isinugod sa pagamutan kung saan siya na-comatose dahil sa pagkadurog ng bungo.
Kinailangan pa ng mga doctor ng Marikina Valley Medical Center na alisin ang bahagi ng bungo ng biktima upang maalis ang namuong dugo nito sa ulo.
Matapos ang may dalawang araw na pagka-comatose ay tuluyan nang namatay si Bautista.
Mariin namang pinabulaanan ng pamilya ni Bautista na hinipuan nito si Malilin dahil wala umano sa karakter ng biktima na gumawa ng ganoong klaseng kabastusan dahil sa pagiÂging mabait nito, at mahinahong magsalita.
May diabetes at high-blood pressure ang biktima at madalas itong mahilo o ma-disorient sa ilang pagkakataon na maaaring inaÂkala ni Malilin na hinipuan siya nito.
Inamin naman ni Tejada ang pambubugbog at idinahilang ipinagtanggol lamang niya ang kinakasama.
PSN Home ( MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:Balita Ngayon
- Duterte pinababalik ang mga pinalayang komunista November 24, 2017 - 7:16pm
- Abas inilagay ni Digong sa Comelec, Devanadera sa ERC November 24, 2017 - 4:46pm
- Abella hahawakan ang strategic communications ng DFA November 24, 2017 - 3:55pm
- Marawi rehab aabutin ng P90B ang gastos â" mayor November 24, 2017 - 3:08pm
- Aguirre pinaiimbestigahan si Aquino sa DAP, pork barrel scam November 24, 2017 - 12:14pm
- Digong: Wala nang peace talks November 24, 2017 - 10:07am
- Panukalang gawing holiday ang Disyembre 8 lusot sa Kamara November 23, 2017 - 10:00pm
- Escoto wagi sa Miss Asia Global 2017 November 23, 2017 - 9:00pm
- Kiko sa pagkakaabswelto ni Faeldon: Gaguhan na talaga! November 23, 2017 - 5:33pm
- KILALANIN: Final 12 ng Gilas na sasabak kontra Japan November 23, 2017 - 2:37pm
Tidak ada komentar